Chapter 23

1377 Words
"Sige subukan mo lang pumuta sa kanila at sisiguradohin kong maghihiwalay talaga tayo," pagbabanta kong bulong rito. Tinawanan niya lang ako at inakbayan. Kinurot niya rin ang ilong ko at hindi na ito tumigil sa mahina niyang pagtawa. Binalingan niya nang tingin ang ina. "Ma, kumain na tayo." Aya ni Petrus sa kaniyang ina. "Gutom na raw po si Madam kaya nagsusungit na naman," natatawa niyang patuloy. Kinurot ko siya sa tagiliran dahil pinagbitangan niya akong nagsusungit na naman daw ako dahil sa gutom. "Tita Anne, 'wag niyo po 'tong paniwalaan. Sinungaling po 'yan," nakasimangot kong sabat sa usapan ng dalawa. Paulit-ulit niya akong binibiro at paulit-ulit niya ring kinukurot ang ilong ko. Pinaghahampas ko nga siya sa tuwing nilalapit niya ang kamay niya sa mukha ko kaya sinaway na kami ni Tita Anne. "Tumigil na nga kayo riyan para kayong mga bata!" matigas na reklamo ni Tita sa amin. "Asa'n na ba yon?" natatarantang anas ni Tita. "Tita Anne, may problema po ba?" "Iyong wallet ko," tugon niya at patuloy na kinakalkal ang laman ng bag niya. Habang abala si Tita sa paghahanap ng wallet niya patuloy pa rin akong kinukulit ni Petrus. Kaya pinandilatan ko ito ng mga mata pero ayaw pa ring tumigil. "Tama na nga 'yan, Petrus. Ang tigas talaga ng ulo at isa pa ay hinahanap ko pa ang wallet ko. Naiwan ko yata sa bahay," seryosong sabi ni Tita Anne. "Okay lang, Ma may pera naman po ako," magalang niyang sagot sa ina pero umiling si Tita Anne at nagpaliwanag. "Nako, hindi anak dahil nilagay ko roon ang bayad sa kuryente. May notice of disconnection na tayo at kapag hindi ko 'yun binayaran ngayon ay baka mapuputulan na tayo mamaya o 'di kaya ay bukas. Balak ko kasing bayaran matapos nating kumain sa labas. Pwede namang daanan muna natin sa bahay bago tayo dumiretso at ng makapagbihis muna tayo," mahabang paliwanag ni Tita at napuno ng pag-aalala ang itsura. Tumango siya at nakangiti habang nakatingin sa akin. "Oo nga, Ma kasi may amoy araw na rito hindi lang ako nagrereklamo," nakangiti niyang tugon sa ina at ako yata ang tinutukoy. Nang tingnan ko siya ay nakompirma ko nga na ako ang pinaparinggan niya. Kaya pinaghahampas ko siya nang malakas sa kaniyang braso kahit nasa harap pa kami ng kaniyang pamilya. "Nakakainis ka na talaga," galit kong reklamo pero tinawanan niya lang ako. "Ma, si Dawn, oh!" reklamo niya at humingi pa ng tulong sa ina. Natawa na lang ako dahil walang pakialam si Tita Anne sa anak at tinaasan lang siya niti ng kilay. "Tama lang 'yan sa iyo," sagot ni Tita. Kinuha ni Tita ang kamay ko at sabay kaming nagtawanan. Walang ka alam-alam si Petrus na sinadya ni Tita Anne na umuwi kami dahil may sorpresang naghihintay sa kaniya sa bahay. Kahit ang totoo ay hindi naman niya talaga naiwan ang wallet sa bahay. Nang sumakay kami sa kotse minungkahi kong sa harap na si Tita Anne umupo. Pumasok ang kapatid niyang si Jhana at sumunod naman ako. Tumabi rin sa akin si Tantan at hinihintay na lang namin pumasok rin si Petrus para makaalis na. Pero hindi siya sumunod sa kapatid niya na siyang pinagtataka namin. "Kuya, pasok na!" aya ni Tantan pero hindi siya kumilos. "Bakit?" nagtataka ko siyang tinanong dahil nanatili pa rin siyang nakasilip sa amin sa loob. Tinawag niya si Tantan at pinalabas ng kotse. Saka pa siya umupo sa tabi ko nang makalabas ang kaoatid niya. Gusto niya lang talagang magkatabi kaming umupo. "Kailangan pa ba talagang magkatabi tayo kahit nasa kotse?" naiirita kong tanong sa kaniya. "Hindi naman pero gusto ko lang," nakangiti niyang sagot at hinawakan ako sa kamay. Dinala niya ito sa kaniyang labi at dinampian nang halik. Nang makarating kami sa harap ng bahay nila ay sabay na kaming pumasok sa loob. Nagtaka pa si Petrus kong bakit hindi naka-lock ang pinto? Ngunit hindi na lang siya nagreklamo, inakbayan niya ako sa balikat at balak na sana niyang magtungo kasama ako sa kaniyang kwarto. Ngunit bago pa kami makaakyat sa taas ay isang malakas na inggay ang nagmumula sa kanilang kusina. May tumatawa at meron ding nakangiti lang pero isa lang ang sigurado akk o ngayon, lahat ay masaya. Lahat ng mga kaibangan niya ay inimbitahan namin. Maliban lang sa mga kaibigan niyang kasabay niyang magtapos ng koliheyo. Hindi rin siya makapaniwala ng regalohan siya ni Daddy ng kotse. Ayaw niya iyong tanggapin pero nagpupumilit si Daddy at sinabing magtatampo ito kapag hindi niya tinanggap. Nagbiro rin si Daddy sa kaniya na mas mabuting may sarili na itong kotse dahil alam naman nilang si Petrus rin ang makakatuluyan ko sa huli. Nag-ingayan ang lahat at napuno ng pagbati ang paligid. Masayang-masaya si Petrus dahil hindi niya inakalang sosorpresahin namin siya. "Iiyak na 'yan, iiyak na 'yan," pangangantiyaw ko sa kaniya. Hindi ko pa naman nakitang umiyak siya pero nasabi sa akin ni Nanay Milva na nakita niya itong umiyak noong araw na nag-away kami. Kaya tinutukso ko siya dahil nagbaba kasakaling hindi na nito mapipigilan pa ang sarili. Pero hindi pa rin 'yun nangyari at tinawanan lang ako. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa aking ulo. Pagkatapos ay lumapit siya sa Mama niya at yumakap rin dito. Ilang beses siyang humingi ng thank you rito at parang wala ng katapusan. Kaya napaiyak na lang si Tita Anne sa kaniya. Nagreklamo rin ito kung ano ang nangyayari sa anak niya? Dahil kahit na noon pa man ay hindi ito showy sa nararamdaman niya. Palagi lang daw itong seryoso at napakastrikto. "Ma, tanungin mo si Dawn? Hindi naman ako magkaka-girlfriend kung hindi niya pinalambot 'to," pagbibiro nitong sabi at may pahawak-hawak pa siya sa kaniyang dibdib. Nagkibit balikat na lang ako at kunwaring nagyayabang. Lahat ng mga bisita ay nagtawanan at isa sa mga kaibangan ni Petrus sa team niya ay bigla na lang sumigaw. "Kainan na!" Malakas na sigaw ng kaibigan ni Petrus. Kaya lahat kami ay nakatitig sa kaniya sa gilid ng mesa. Binatukan siya ng isa pa nilang kaibigan dahil panira ito ng moment. Pero tumawa na lang kaming lahat at nagtungo na sa mesa. Hindi gaanong kalakihan ang dining table nila Petrus. May walong tao lang ang pwedeng umupo roon at doon pinaupo ang mga magulang ko. Si Tita Anne naman ay abala sa pag-aasikaso ng bisita. Nandoon rin sa dining table nakaupo si Jhana at si Tantan. Ang mga barkada ni Petrus ay nagkaniya-kaniya lang nang upo sa kung saan. May nakaupo sa couch, sa study table at ang iba ay humaharang na rin sa hagdan. At ang mga kasambahay namin ay sumabay nang kumain sa table kung saan ang mga parents ko. Ayaw ng mga barkada ni Petrus na umupo sa dining dahil awkward daw kasama ang mga parents kaya pinili na lang nilang kumain sa makipot na sala. "Tita Anne kumain na po kayo, mamaya na po 'yan," nag-aalala kong wika. Kanina pa kasi ito nagpaikot-ikot sa buong bahay para asikasuhin kaming lahat. "Ma, mamaya na kasi 'yan. Kapag hindi ka pa kakain papauwiin ko tong mga mokong na 'to," seryoso niyang sabi habang tinuturo ng mga kaibigan niya. Parang sanay na ang mga kaibigan niya sa ugali niya dahil binalewala lang sa mga ito ang sinabi niya. Ngunit si Tita ay sinunod naman siya. Dumiretso ito sa kusina at umupo sa harap ni Mommy. Maingay ang pakilig at lahat kami ay masayang nagtatawanan. Naging kaibigan ko na rin ang halos lahat ng mga kaibigan niya at maging ang mga kaibigan ko ay kaibigan niya na rin. Pareho kaming komportable na sa isat-isa at alam kong napapansin din iyon ng aming mga magulang. Kung may higit pang tawag sa girlfriend malibang sa asawa ay parang 'yun kami. Nagkakayayaan na ring uminom at magkantahan sa bahay kaya ang ending ang iba ay nakatulog na sa bahay ni Petrus. Nagpaalam din ang mga parents ko na mauna na silang umuwi sa akin. At pinaaalalahanan akong huwag ng umuwi kung nakainom ako. Naawa tuloy ako kay Tita Anne dahil kinabukasan ay ang dami niyang nilinis. Kaniya-kaniya na rin ng uwian ang iba at hindi na nag-agahan pa. Nagpresenta rin akong tumulong sa paglinis kahit ayaw sana ni Tita at Petrus pero nagpupumilit pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD