Nagtampo ako kay Petrus ng malaman kong tinanggap niya ang inalok ni Salme sa kaniya.
Tinulungan siya ni Salme na pumasok sa kompanya ng ama nito.
Alam kong na ang pinapasukan ni Petrus ay isa sa mga kompanyang pinakasikat at pinakamagandang kompanya sa buong bansa.
Alam ko rin na magaling si Petrus at marami pa siyang pwedeng pagtrabahuan.
Maraming tatanggap sa kaniya dahil totoong magaling siya at higit sa lahat matalino siya sa mga bagay na 'yon.
Nang mga panahon na nag-aaral pa siya ay nagsikap siyang maigi at hindi kailanman sinasayang ang kaniyang oras para sa paglalakwatsa.
Binuhos niya ang panagin niya sa pag-aaral kaya alam kong magiging magaling siya sa napili niyang propesiyon.
Hindi man siya ang pinakamatalinong mag-aaral noon pero nasisiguro kong isa siya sa pinakamagaling sa lahat.
Ilang beses niya akong tinawagan ngunit hindi ko iyon sinasagot.
Sinadya kong iwan ang phone ko sa kwarto at pumasok sa school ng hindi siya kinokontak.
Naiinis ako dahil hindi niya man lang ako inaalala. Alam niyang noon pa man ay maiinit na ang dugo ko sa babaeng iyon.
Masyado itong nagpapansin sa kaniya at ang flirty kahit nasa harap lang ako.
Iniisip ko pa lang ang babaeng 'yun ay kumukulo na ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Parang gusto ko siyang kalbohin para mahiya na siyang lapitan si Petrus.
Matagal na itong may gusto sa kaniya at gumagawa lang ito ng paraan para magkalapit silang dalawa.
Pumasok ako sa klase na parang wala sa sarili at masama ang pakiramdam.
Nalaman ko na lang na isang linggo na pala siyang nagtatrabo sa kompanyang iyon at hindi man lang niya nagawang sabihin sa akin.
Ang rason niya ay nahihirapan siyang aminin sa akin ang totoo dahil alam niya na magagalit ako.
Habang nasa loob ng cafeteria, tinusok-tusok ko ang pagkaing nasa harap ko.
Umorder ako ng leche plan at hindi ko napapansing nadurog na iyon dahil napagbuntongan ko ng galit.
Kung hindi lang ako sinaway ni Ergie ay siguradong hindi ako matitigil.
"Oy, ano'ng nangyari sa iyo? Bakit parang wala ka yata sa sarili? May kasalan ba 'yan sa iyo?" Tinuro ni Egrie ang dessert na tinutusok ko.
Hindi ko siya kinibo dahil wala talaga akong ganang makipag-usap.
Ayaw ko ring malaman niyang nagkatatampuhan kami ni Petrus dahil sigurado akong hanggang uwian ay hindi niya ako titigilan.
Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Hanggang sa pinanliitan na niya ako ng mata at naiinis na niya akong tinitigan.
Alam niyang may problema ako kaya ayaw niya akong tantanan.
Mabuti na lang at nakita ko ang nobyo niyang baseball player na paparating.
Ngumuso ako gamit ang aking labi at tinuro ang boyfriend niya sa bandang kaliwang pinto.
May dalawang pinto kasi ang loob ng cafeteria. Dapat sana ay isa roon ang entrance at ang isa naman ay ang exit.
Ngunit dahil likas na matigas ang ulo ng mga tao kaya ginawa ng entrance at exit ang lahat ng pinto.
Noong una ay sinasaway naman sila ngunit kalaunan ay nagsawa na rin ang mga staff sa paulit-ulit na paalala.
Tumayo siya kaagad at iniwan akong mag-isa.
Dinala niya ang kaniyang food tray at suminyas na magkita na lang kami mamaya sa classroom.
Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makaupo siya katabi ng kaniyang nobyo.
Buong araw akong tinamad sa pag-aaral at walang kahit na anong pumasok sa utak ko.
Ang lagi ko lang naiisip ay ang demonyong mukha ng babaeng Salme na 'yon.
Halata namang inaakit niya ang Petrus ko. Kaya gusto kong maiyak na lang dahil wala akong magawa.
Habang naglalakad ako palabas ng gate nakita ko mula sa malayo ang kotseng susundo na sa akin. Naka-parking lang ito.
Same as usual ay maaga pa rin ang driver ko. Wala ito sa loob ng kotse at may kausap itong lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil natatabunan ito ng likod ng driver.
Nang palapit na ako ay nakita kong si Petrus pala ito. Masaya silang nagkukwentuhan ni Kuyang driver.
Hinanap ko ang kotse niya at nakita ko na naka-parking pala ito sa malayo. Marami kasing mga kotse ang mga estudyante rito kaya halos lahat ay occupied na.
Bago ko pa makausap ang driver ko ay tinapik na niya ito sa balikat at pinaalis na ng hindi nagpapaalam sa akin. Tinawag ko si Kuya pero hindi na niya ako narinig.
"Bakit ba ganiyan ka? Ang sama-sama mo," galit kong wika sa kaniya at nagsisimula nang maiyak.
Niyakap niya ako. "Sorry na, ihahatid naman kita. Please, tumahan ka na," nag-aalala niyang saad.
Natataranta na rin dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Alam naman niya na nagtatampo pa ako sa kaniya dahil nagsinungaling siya sa akin.
"Kapag tungkol sa akin aygumagawa ka ng desisyon ng hindi nagpapaalam sa akin. Pero kapag ikaw ang magdesisyon hindi mo ako sinasali. Patas pa ba iyon?" panunumbat kong tanong sa kaniya.
"Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Pumasok muna tayo sa loob at may puountahan tayo." Hinila niya ako sa kamay pero nagmatigas ako.
Hinablot ko ang kamay ko at buo na ang pasya kong hindi sasama.
Tiningna niya ako ng malungkot at may pagmamakaawa sa mata pero hindi pa rin ako pumayag.
Tatawagan ko na sana ang driver para balikan ako ngunit nakalimutan kong iniwan ko pala kanina ang cellphone ko sa kwarto.
"Dawn, please pumasok ka na." Nanatili ako sa tinatayuan ko at tiningnan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng marahan.
Pilit niya akong pinapatingin sa kan'ya at nababasa ko ang lungkot sa kan'yang mga mata. "Mag-usap tayo, please pag-usapan natin 'to," paulit-ulit niyang sabi sa akin at nagsusumamo.
Umihip ang isang malamig at malakas na hangin kaya hinubad niya ang suot niyang slim fit formal suit at pinatong sa aking balikat.
Inayos niya rin ang nagliliparan kong mga buhok at nilagay sa ayos. Pagkapos niyang haplusin ang ulo ko ay hinalikan niya ako sa noo.
Sinaway ko rin siya dahil maraming taong makakakita sa amin.
Kahit hindi na siya pumapasok sa school ay marami pa ring nakakakilala sa kan'ya. Isa na roon ang mga babaeng fan na fan siya.
Nasa alas singko pa ng hapon ngunit gabi na ang langit.
Ang mga ulap kasi nito ay nagkukulay itim na tanda na may malakas na ulan ang bubuhos sa hapong ito.
Nagliliparan na rin ang mga dahon na nanggagaling sa mga puno na nasa gilid ng paaralan.
Hinawakan niya ako sa kamay ngunit hinablot ko iyon ulit. Tiningnan niya ako ulit at niyakap ako nang mahigpit.
"Sorry na please... sorry na!" sinsero niyang wika. "Alam kong malaki ang kasalanan ko pero please lang patawarin mo na ako. Pangako hindi na ako magdedesisyon ng hindi ko sinasabi sa iyo," madamdamin nitong dagdag.
Hindi siya bumitaw nang yakap sa akin ngunit hindi pa rin ako gumanti.
"Umuwi ka na! Kay Julle na ako sasabay," seryoso kong wika.
Nagulat siya nang marinig ako sa aking pasya. Napailing siya at ang lalim ng iniisip dahil hindi ito makapaniwala.
"Ayaw mong sumabay sa akin dahil sa lalaking yon?" galit niyang tanong at parang dumilim ang kaniyang tingin sa akin.
Nakaramdam ako ng asiwa at takot sa kaniyang mga tingin pero pinilit kong huwag ipahalata.
"Nililigawan ka ba ni Julle? Sinabi mo bang naghiwalay tayo kaya lumalapit siya sa iyo palagi?" seryoso niyang tanong ngunit halata sa boses na nagtitimpi lang ito sa sobrang galit.
"Wala kang pakialam, 'di ba yon naman ang gusto mo. Iyong walang pakialamanan?"
"Sige subukan mo lang ngayon, hintayin mo lang at nang mabugbog ko ang lalaking iyon," pinal niyang sabi at galit na galit na ang itsura.
Napasabunot rin ito sa kaniyang mga buhok dahil sa inis na hindi maipaliwanag.
Namumula na rin ang kaniyang mukha at nakatiim bagang na ang panga.
Parang nagsisi tuloy ako sa aking sinabi dahil binalot ako ng takot dahil sa narinig.
Wala naman talagang kinalaman si Julle sa amin pero wala akong maisip na idahilan sa kaniya para iwanan na ako, kaya nasabi ko ang mga iyon.
Kaya sa huli ay ako na ang nagkusang nagbukas ng pintoan ng kotse para makapasok sa loob.
Gusto ko sana siyang turuan ng leksiyon at huwag kausapin ng isang linggo ngunit hindi natuloy dahil sa takot na mapahamak si Julle ng walang kinalaman at kaalam-alam sa mga nangyari.