"Mukhang may nadisgrasya sa unahan," nababahalang wika ni Petrus dahil kanina pa kami na-stuck up sa daan.
Pauwi na kami ni Petrus sa bahay dahil tapos na kaming kumain sa restaurant.
Napansin naming maraming sasakyan ang nag-U turn sa daan at ang mga sasakyan sa unahang banda naman ay hindi pa rin umuusad.
Madilim na ang buong paligid at tanging mga ilaw lang ng mga poste ang nagsilbing liwanag sa daan.
Malakas na rin ang buhos ng ulan at dahil sa matinding pagbuhos nito ay hindi na namin masyadong maaninag ang daan.
"Petrus, ang lakas na ng ulan."
Kanina bago kami makarating sa isang mamahaling restaurant ay malakas na talaga ang tili ng ulan.
Hinintay muna namin na tumahan ng konti ngunit hindi ito umaayon sa gusto namin. Sa halip ay mas dumoble pa ang lakas at pagbuhos nito.
Kaya kahit na malakas ang ulan ay wala kaming mapagpipilian kundi ang tumuloy sa pag-uwi.
Napabuntong hininga na lang ako dahil nakakatakot ang bumyahe sa ganitong panahon.
Nakaramdam rin ng panghihina dahil sa pagod at panlalamig sa buong katawan.
Sumulyap sa akin si Petrus at napansin niyang giniginaw ako.
Kaya kusa niyang pinatay ang aircon kahit hindi ko ito hiniling.
Hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog ng hindi ko namamalayan.
Nagising ako sa diyes oras ng gabi, pagod man ang aking katawan ngunit nagrereklamo ang aking tiyan.
Kung hindi lang sana ito sumasakit at kumakalam dahil sa gutom ay mas pipiliin kong matulog na lang hanggang umaga.
Napabalikas ako nang tayo ng makitang hindi pamilyar sa akin ang kwarto.
Napaisip ako at sinuri ang buong paligid. Ako lang ang mag-isa at walang sino mang kasama.
Tinungo ko ang bintana at sumilip mula sa salamin.
Napagtanto kong nasa mataas na palapag ako ng isang mamahaling hotel.
Natatanaw ko ang buong syudad at tumahan na rin ang buhos ng ulan.
Ngunit ang mga ilaw sa highway kung saan marami pa ring mga sasakyan ay hindi pa rin umuusad.
Isang maingay na tunog ang aking narinig mula sa pagbukas ng pinto kaya napalingon ako.
Niluwa roon si Petrus galing sa banyo at halatang katatapos lang maligo.
Nakabalot siya ng puting tuwalya sa kaniyang pambaba habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang isa pang maliit na tuwalya.
Napapikit ako dahil sa presko at mabangong amoy niya. Parang umabot sa aking lalamunan ang kanyang bango.
Nang buksan ko ang aking mga mata ay napatitig ako sa mga butil ng tubig na dahan-dahang tumutulo sa kanyang dibdib.
At sa pagkakataong ito ay hindi ko napigilang ang sariling mapalunok. Parang gusto kong magtago dahil sa kahihiyan at pagalitan ang sarili dahil umaandar na naman ang baliw kong utak.
Tinawanan niya lang ako at nagtungo sa maliit na mesa na kulay tsokolate kung saan nakapatong ang isang puting telepono.
Nang makabawi sa pagkakatulala ay lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa likod.
Siya naman ay abala sa pagpindot ng mga numero sa telepono para makagawa ng tawag.
Inipit niya iyon sa kanyang tenga at binalingan ako nang tingin sa gilid.
"Mabuti naman at nahimasmasan ka na?" natatawa niyang wika sa akin pero hindi iyon tunog panunukso sa akin. Puno ito ng paglalambing sa akin kahit na tumatawa siya.
Tahimik lang ako habang hinahaplos niya ang magkabilang braso ko na nakapulupot sa kaniyang mga bisig.
Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya dahil may nagsasalita na sa kabilang linya.
Nilapit ko ang mukha ko sa likod niya at sinandal malapit lang sa kaniyang leeg.
Narinig kong nagtatanong ang babae sa kabilang linya kung ano pa ang mga kailangan namin.
Sinabi niyang magpadala sa room ng mga pgkain at mainit na kape at gatas.
"Tinawagan ko na si Tita na bukas na kita mahahatid. Mahirap makalusot sa daan dahil sa mabigat na traffic." Umupo siya sa silya at sinama ako. Pinupo niya ako sa kaniyang kandungan.
"Hindi ka na galit?"
"Medyo, nagtatampo pa ako ng konti sa iyo, sino ba naman ang hindi?" Inirapan ko siya.
"Sorry na... hindi sinabi sa iyo kasi naghahanap pa ako ng tyempo. Alam ko namang hindi ka papayag kaya nilihim ko muna," paliwanag niya.
"Bakit kasi sa kompanya pa nila? Marami pa naman sigurong iba riyan? Sigurado naman akong maraming tatanggap sa iyo dahil sa ganda ng performance mo!"
"Dawn, kailangan ko ng malaking kita at sila lang ang may ganoong offer sa akin. Marami na akong pinasukan at lahat sila mababa lang ang sahod. Nawalan na si Mama ng trabaho dahil nalugi ang kompanyang pinapasukan niya. At si Jhana at Tantan kailangan nilang magpatuloy sa pag-aaral. Kung tatanggihan ko pa ang trabahong 'to hindi magkakasya ang sahod ko," madamdamin niyang paliwanag sa akin.
Wala na akong magawa kundi ang lumuha.
Nasaktan ako at nakokonsensiya ako sa pagiging makasarili ko.
Ang lahat ng tampo ko ay nawala na lang bigla at napalitan iyon ng awa.
Parang maiiyak ako sa narinig at gusto kong pagalitan ang aking sarili. Hindi ko man lang inaalala ang sitwasyon nila. Masyado akong nabulag dahil sa pagiging makasarili ko.
Dapat ay inintindi ko siya dahil ako ang dapat na unang nakakaalam ng sitwasyon niya. Ngayong nakatapos na si Petrus ay siya na ang magiging kasangga ng Mama niya.
Pinahid niya ang mga luha ko sa aking mga mata at masuyo akong dinampian nang halik sa aking labi.
"I'm sorry," nasasaktan kong hingi ng paumanhin sa kaniya.
Umiiyak ko siyang tiningnan at hinawakan ko siya sa pisngi. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano kong pinagsisihan ang ginawa.
Maling pagdudahan ko siya dahil wala siyang ibang inisip kung 'di ang mapabuti ang pamilya niya.
"Thank you," sinsero niyang sabi at hinalikan ulit ako sa noo, sa ilong, at sa labi.
Gumanti ako nang halik sa kaniya at napuno ito ng pagmamahal.
Banayad lang ang kaniyang mga halik na para bang isa akong mamahaling bagay na kaniyang pinakaiingatan.
Mabini siyang kumilos katulad ng pag-aalaga niya sa akin.
Naging malalim ang aming halikan at kung saan-saan na naman napapadpad ang aming mga kamay.
Uminit na naman ang aking katawan sa mga sandaling ito.
Naramdaman ko rin ang matigas niyang gitna na tumutusok sa aking pang-upo. Kaya mas lalo akong ginanahan at mas pinalalim pa ang aming halik.
Nanatili akong nakaupo sa kaniyang kandungan pero sa pagkakataong ito ay nakaharap na ako sa kaniya.
Dahan-dahan kong hinubad ang aking damit ngunit bigla niya akong pinigilan.
Nagtataka ko siyang tiningnan diretso sa mata dahil hindi naman ito ang una beses na aming ginawa.
Totoong virgin pa ako dahil magaling siyang magpigil sa sarili. Ngunit lahat ng parte sa katawan ko ay natikman niya na maliban lang sa pagpasok ng aking kweba.
Nagtatanong ang aking mga tingin at naghihintay ng kaniyang sagot.
"Later Dawn, baka dumating na 'yong inorder ko," napapaos niyang boses at dinikit ang noo niya sa noo ko. Damang-dama ko ang paghihirap niya.
Napangiti ako at bumulong sa kaniya. "I love you," sinsero kong sabi at dinampian ko ulit siya nang halik sa kaniyng labi.