"Deserve niyang piliin tapos ako hindi? Noong may nagawa kang mali sa relasyon nating dalawa binigyan kita ng second chance! Tapos ako walang second chance? Sige magpakasal ka kay Crizza at magpapakasal rin ako sa iba. Makaka-move on rin ako sa 'yo at makakalimutan rin kita!" singhal niya sa akin at pinaghahampas ang dibdib ko. Napuno ako ng selos dahil hindi ko kayang isipin na magpapakasal siya sa iba. Pero iyon ang gusto ko! Ang magdusa kami sa letseng buhay na 'to! Tama naman si Dawn. Bakit ba ang hirap sa akin magbigay ng second chance sa kaniya? Iisipin ko pa lang ang posibilidad na mayroon siyang magkakatuluyan ay para na akong sasabog sa galit. Wala siyang ginawa kundi saktan palagi ang kalooban ko. Saktan ako ng mga salita niya na parang kutsilyo. "Wala na akong kinalam

