Chapter 77- Dawn Tonette

1116 Words

Nanginginig akong hinarap si Petrus at sinigawan siya sa abot ng aking makakaya. Inilabas ko lahat ng hinanakit dahil hindi ko na napigilan pang manahimik na lang. Hindi ako makakapayag na mawawala na lang siya sa akin ng hindi ko sinusubukan ang lahat. Sabihin na nilang mang-aagaw ako pero lulunukin ko ang kahihiyang iyon dahil alam kong si Petrus lang ang para sa akin. Siya lang ang lalaking mapapasaya ako at hindi na ako makakahanap ng katulad niya. Pero kahit na ano'ng gawin ko ay lagi pa rin akong nabibigo. Kahit na nagmamakaawa na ako ay hindi pa rin niya ako mapagbigyan. "Ganito ka bang gumanti! Ang ubusin ako sa sakit!" sigaw ko at sinampal ko rin siya ng maraming beses pero hindi pa rin ako nakontento. Hindi pa rin nababawasan ang sakit at para bang binali-an ako ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD