"Petrus... ano ang bumabagabag sa 'yo? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain rito?" nababahalang tanong sa akin ni Crizza pero hindi ko ito pinansin. Naririnig ko siya pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Tuliro ako at wala sa sarili. Ayaw ko mang maging unfair kay Crizza pero hindi ko mapigilan ang sinabi sa akin ni Dawn. "I'm sorry." "I'm just fine, Petrus ang hindi ko lang maintindihan kung bakit galit na galit ka sa kaniya? Pero iba ang nararamdaman ko, ngunit maaaring tama ako 'di ba?" prangka niyang tanong sa akin. Seryoso niya akong tiningnan at ang mga mata niya ay masyadong malamig. Hindi ito gaya noon na kumikislap. Siguro ay dahil nararamdaman niyang niloloko ko ang aking sarili. "Petrus, hindi mo lang niloloko ang sarili mo... pati ako ay niloloko mo rin

