Chapter 27

1494 Words
Nagtatawanan kaming dalawa habang nasa loob kami ng banyo. Sabay kaming nag-toothbrush ng ngipin sa harap ng malaking salamin at hindi maiwasang napapangiti. Para kaming bagong kasal sa aming sitwasyon. Naligo rin kami nang sabay at hinayaan ang mga sariling nakababad sa bathtub ng hotel. Tapos na siyang maligo kanina pero pinilit ko siyang samahan ako. Nilalaro ng mga daliri ko ang mga bula sa bathtub at hinihipan patungo sa mukha niya. Natatawa ako sa naging reaksyon niya dahil sa tuwing nakikita ko siyang naiirita ay hindi ko maiwasang matawa. Ganito talaga ang tunay niyang ugali noon pa man. Nakasandal ako sa dibdib niya habang hawak naman nito ang kanan kong kamay. Hinahalikan niya ako sa balikat at haplos naman niya ang isa kong dibdib. "Huwag mo nga akong inaakit, baka magahasa pa kita," pagbibiro kong sabi sa kaniya. Dahil kanina pa siya hindi tumitigil sa pagdampi nang halik sa akin. Tumawa naman siya nang malakas at niyakap ulit ako nang mahigpit bago sinagot. "'Yong bibig mo," natatawa niyang tugon saway sa akin dahil sa mga lumalabas na mga salita sa bibig ko. Kinagat niya ako sa balikat dala ng panggigigil sa akin. Kaya natampal ko siya sa mukha dahil sa gulat habang nakatalikod ako. Nang lumingon ako kay Petrus ay kasalukuyan niyang hinahaplos ang aking balikat na kinagat niya. Mukha naman siyang hindi apektado sa naging sampal ko. "I'm sorry, ang sakit kasi ng ginawa mo kaya nagulat lang ako," nahihiya ko siyang pinagmasdan. Hinaplos ko ang kaniyang mukha kahit na alam kong hindi ito makakagamot. Pagkatapos ay sumandal ako sa kaniyang dibdib dahil mukha naman soyang hindi galit. "May mas masakit pa riyan," pabiro niyang wika. Tumawa siya ng makahulugan sa akin at kaagad ko namang naintindihan. Napagtanto ko ang ibig niyang sabihin kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. Mas lalo lang siyang tumawa na para bang pinagti-trip-pan ako. "Iba naman 'yun dahil alam kong kaya ko 'yung tiisin," natatawa kong sagot na siyang tinanguan naman siya. "Alam ko pero 'wag tayong magmadali dahil darating din naman tayo riyan, mag-iipon muna ako para sa kasal natin," pinal niyang sabi. Kinilig ulit ako kaya napapangiti na lang ako ng palihim. "Pwede naman tayong magpatulong kay Daddy tungkol diyan," mungkahi ko sa kaniya. "Ayaw ko ng gano'n, Dawn." Umiling siya at desididong hindi tatanggap ng anomang tulong. "Okay, sige kung sabagay," napahinto ako at binalingan siya ng titig. "Bakit sigurado ka ba talagang ako na ang huli mo?" nagbibiro kong tanong. Pinanliitan niya ako nang tingin. "Oo naman, bakit ba ikaw... hindi ka ba sigurado sa akin?" Ngumiti ako. "Hindi naman sa gano'n kaya lang mag-aaral pa ako. May isang taon pa ako pagkatapos ng taong ito. Sa loob ng isang taon maraming pwedeng mangyari na hindi natin inaasahan. Malay mo magkakahiwalay tayo tapos makakahanap ka ng iba at ako rin," paliwanag ko sa kaniya kahit na ang totoo ay hindi ko iyon papayagan na mangyari. Napatigil ako sa pagsasalita ng binigyan niya ako ng masamang tingin. Galit na naman ang ekspresyon sa kaniyang mukha at nagdilim ang kaniyang mga titig sa akin. "Nagsisimula ka na naman. Huwag mo ngang sinsabi ang mga bagay na yan, sumasakit lang ang ulo ko." Bigla na naman siyang nagsungit at nagpaalam ng mauna na sa kwarto. Iniwan niya akong nakababad sa bath tub na mag-isa at nakasimangot ang itsura. Pagkalabas ko ng banyo, nakita kong hawak niya ang kaniyang cellphone. Tiningnan ko siya ng masama at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Tinaasan ko rin siya ng kilay at lumayo rin kaagad ng mapagtanto kong si Salme na naman ang kaniyang kausap. Nagsuot ako ng damit at nauna nang humiga sa kama. Akala ko ay susundan niya ako at papatayin na ang tawag ngunit kabaliktaran iyon sa aking iniisip. Nang hindi ko na matiis ay balikwas aki nabng bangon at sumigaw ako sa inis dahil sa walang kwenta nilang usapan. "Petrus, hindi ka pa ba matutulog!" galit kong wika at nauubusan na rin ng pasensiya. "Bukas na lang natin pag-usapan 'yan Salme, sige na puputulin ko na ang tawas," rinig kong sabi niya sa kausap. Tiningnan niya ako nang nakangiti kaya pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama. Tumalikod ako sa kaniya at nagtalukbong ng unan. "Galit ka na naman, may ginawa ba ako?" malambing niyang tanong sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at pilit ring tinatanggal ang kumot na nakatabon sa buo kong katawan. Naalibadbaran ako sa kaniya, kaya kusa ko nang tinanggal ang kumot at hinarap siya. "Seriously Petrus, sa ganitong oras? Alas onse na ng gabi tumatawag pa rin ang babaeng 'yun sa iyo?" asik ko at hindi makapaniwala. "Sorry, akala ko emergency," hingi niya ng paumanhin sa akin. "Iwan ko lang talaga, matulog ka na. Nakakawala ng gana," maarte kong reklamo. Niyakap niya ako sa bewang pero hinawi ko iyon nang malakas. "Ang selosa mo talaga," natatawa niyang ani at hindi pa rin tumigil sa panunuyo sa akin. "Kapag may tamang hinala," galit kong tugon rito. "Wala sa lugar," biro niyang sagot. "Bakit mali ba ako?" tanong ko at tinulak siya para lumayo sa akin. "Tsk, ayaw mo talagang magpatalo." Umiiling niyang komento. "Bakit ikaw ba hindi? Malaman ko lang talagang na may namamagitan sa inyong dalawa kahit mahal na mahal kita hihiwalayan talaga kita," pagbabanta ko rito. Natahimik siya bigla sa aking sinabi kaya napalingon ako sa kaniya ng may pagdududa. I bit my lower lip while raising my eyebrow and tried to walk away from him but Petrus suddenly talked to me. "Never and it won't happen," sinisigurado niyang tugon. "You know what? Sometimes gustong-gusto ko nang makatakas sa mga tingin mong 'yan parang nakakapaso," he said playfully. He grabbed my arms slightly and wanted me to face him. I sighed and faced him even if I don't need it. I consciously looked at him and wanted to asked him but I remain silent. I raised my brows and crossed my hands. "Why do I feel that you are guilty?" tanong ko sa kaniya at puno ng paghihinala. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Petrus?" patuloy kong tanong. Umiling siya. "Nasa isip mo lang 'yan, matulog na nga lang tayo. Baka awayin mo naman ako ngayon," pag-iiwas niya sa usapan. "Makakatulog ba ako sa lagay na 'to?" tinampal ko ang kamay niya na hinihimas ang magkabila kong dibdib at inalis sa ilalim ng aking damit. Narinig ko na lang siyang tumawa hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan. When I woke up early in the morning. Petrus was no longer beside me. Nag-aagawan pa ang sikat ng liwanag at ang dilim sa paligid. When I looked at him at the small table, his laptop was there and he was busy in his worked well. "Good morning," masaya kong bati. Napangiti ako nang makita kong nakangiti rin siya sa akin na maaliwalas na ang mukha. Halata sa kaniyang itsura na tapos na itong maligo. Ang kaniyang mga ngiti ay nagpapalakas sa aking araw dahil sa gwapo nitong itsura. Lumabas na naman ang malalim nitong biloy at ang bango-bango pa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang naging boyfriend ko. Nasa kaniya na ang lahat at ang dating masungit niyang ugali na pinagdarasal ko ay dininig na ng diyos. "Good morning," masaya niyang tugon sa akin. Lalapit na sana siya sa akin pero pinigilan ko siya sa aking kamay. Suminyas akong huwag niya akong lapitan dahil nahihiya akong halikan niya ako sa labi. Lalo pa at hindi pa ako nakapag-toothbrush. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa loob ng banyo. Naghilamos ako ng mukha gamit ang sabon ng hotel at kinuha ang toothbrush na ginamit ko kagabi. Nang tingnan ko ang sarili sa salamin bigla akong na conscious. Wasak ang buhok ko at medyo namumutla rin dahil sa lamig. Inisip ko na baka nakita ako ni Petrus sa ganoong sitwasyon kaya napapadyak ako sa inis. Pagkatapos ng mahabang ritual sa banyo ay lumabas na akong presko at nakaligo na rin. When I came out of the bathroom he was still in front of his work. His hands were also pressing on the laptop and I had no idea what he was working on. "Natutulog ka pa ba?" naiinis ko siyang tinanong mula sa likod niya dahil parang binabad na niya ang sarili niya sa laptop niya. Nakahawak ako sa balikat niya at tiningnan ang mga ginagawa niya. Wala man lang akong naintindihan sa mga planong ginagawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon nang mahina. "Hindi pa tapos kapag natapos 'to ikaw ang unang makakakita," pangako niya sa akin. "Bakit ano ba 'yan?" "Bahay natin in the future," mahinahon niyang sabi. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko at ang kilig na nararamdaman ngayon. Para akong dinuduyan sa langit na nakalutang sa ulap. Tumatawa habang nililipad ang mahahaba at itim kong mga buhok. Wala akong masabi kaya hinalikan ko na lang siya ng masuyo at puno ng pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD