Nagmukmok ako pagdating ko sa bahay at para akong pinapatay sa sobrang sakit. Galit na galit ako sa aking sarili dahil napakayabang ko. Sobrang yabang ko dahil akala ko ay kaya ko pero hindi pala dahil hanggang salita lang naman pala ako. Ang yabang-yabang ko dahil ang totoo ay mahina ako pagdating sa kaniya. "Ano'ng iniiyak-iyak mo ngayon? Kasalanan mo naman 'di ba?!" naiinis na tanong ko sa aking sarili at wala akong ibang gusto kundi saktan ang sarili ko. Sinasabunutan ko ang sarili kong buhok at hindi pa ako nakontento dahil inumpog ko ito sa pader habang humahagolhol sa pag-iyak. Ang sakit-sakit sa pakiramdam habang nakikita ko siyang nagpapaalam siya sa lahat maliban sa akin. At ang higit na napakasakit sa lahat ay ang pagpapaalam niya kasama ang bago nitong nobya. Hind