Isang taon na mula ng huling kaming mag-usap ni Petrus at simula sa araw na 'yun ay hindi ko na siya nakita kahit kailan. Walang gabi na hindi ako umiyak at hindi pinagsisisihan ang lahat. Hindi ko na rin nabalitaan kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Pero isa lang ang nasisiguro ko hanggang ngayon, namimis ko siya ng sobra. At ang buhay ko ay hindi naging masaya ng mawala siya. "Ininom mo na ba ang mga gamot mo?" tanong sa akin ng aking kaibigan at batid kong naiinis siya base sa tono ng kaniyang boses. Mas malala pa siya sa parents ko kung makasermon sa akin. "Mamaya na," walang gana kong sagot at bumalik sa pag-idlip pero hindi na tumigil ang bunganga niya sa pagdidikta sa lahat ng kailangan kong gagawin sa sarili ko. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin dahil sim