"Dawn, nasa labas si Petrus, gusto ka raw kausapin. Papapasukin ko ba?" nag-aalala tanong sa akin ng kasambahay pero umiling ako bilang pagtutol. Sa mga oras na 'to ay wala talaga akong balak na harapin siya. Hindi ko pa kayang kausapin siya at alam kong hindi namin maayos ang problema naming dalawa kung nangingibabaw ang inis at galit ko. Sinilip ko siya mula sa bintana at nakita kong nakatayo lang ito sa labas ng gate. Mukhang wala siyang balak na umalis hanggat hindi ako nakakausap. Ngunit hindi ko pa siya kayang harapin at mahigpit kong ibinilin sa lahat ng tao sa bahay na hindi ito papapasukin. Nakakaramdaman ako ng awa sa kaniya dahil may mahal ko siya. Pero sinadya kong tigasan ang aking puso dahil gusto ko muna ng space at kailangan ko 'yon. Kung mananaig ang awa k