Wala akong nagawa kundi hintayin si Petrus sa condo kung kailan niya balak na umuwi. Nasasaktan ang loob ko dahil napaka-immature ng inasta niya. Pero dahil ayaw kong lumala ang lahat ay papalagpasin ko ang lahat at magpapaliwanag. "Petrus, nasaan ka na ba?" nag-aalala kong anas at kanina pa ako pabalik-balik sa aking nilalakaran. Hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay para na akong aatakihin sa takot na baka may nangyari sa kaniyang masama. Nagkunwari pa akong tawagan ang Mama niya sa bahay nila pero wala naman silang nasabi sa akin na nakapunta roon si Petrus. Pati ang mga ka-office mate niya ay ginulo ko na rin pero wala ni isa ang nagsabi sa akin kung nasaan siya. Nakakaubos ng pasensiya at gusto kong murahin ang mga ito pero pinigilan ko ang aking sarili dahil iniisip ko