Matapos ang nangyari sa amin ni Petrus ay hindi ko na siya makausap nang maayos. Nasasaktan ako sa tuwing binabaliwala niya ako. At nararamdaman ko rin na hindi siya nagsisisi sa mga nangyayari sa amin. Para bang nakikipagtigasan siya sa relasyon naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit niya? Sinabi ko naman sa kaniya ang pahat at wala akong sinisekreto sa kaniya. Hindi ko maisawang masaktan dahil nakaya niya akong tiisin dahil lang sa pagseselos niya. Palagi akong umiiyak paggising ko sa umaga dahil hindi ko na siya nakikita. Kapag gabi naman ay nakakatulog na ako sa pagod ng hindi siya nahihintay. We are like a totally strangers. Ang sakit lang sa puso dahil nangyayari 'to sa aming dalawa. Minsan ay naiisip ko na ako nga talaga siguro ang may problema.