Habang yakap ko nang mahigpit si Trolem isang malakas na kamay ang humila sa akin papalayo sa kaibigan. Laking gulat ko nang makita kong si Petrus ito. "Petrus... bakit ka nandito?" nauutal kong tanong dahil sa gulat. "'Di ba may trabaho ka pa?" nagtataka kong tanong sa kan'ya. "Ano 'yang ginagawa ninyo? Ano' yan?" galit niyang sabi ni Petrus at inis na inis akong pinaharap sa kaniya. Kunot ang kaniyang mga noo at ang mukha ay hindi maipinta. "Petrus, magpapaliwanag ako. Mali ang pagkakaintindi mo," mahinanahon kong wika ngunit halatang dismayado siya sa akin. Magpapatuloy sana ako sa pagpapaliwag nang bigla na lang niya akong hinila. Hahatakin niya sana ako palabas ng restaurant pero bago kami makaalis ay mabilis kaming pinigilian ni Trolem. Hawak niya ang isa kong pulsaha