Napahiya ako sa sinabi ng sekretarya ng kaibigan ko pero hindi na lang ako nagpahalata. Nginitian ko lang ito at pumasok na sa loob ng aking opisina. Marami akong tambak n atrabaho at wala akong magawa dahil kasalanan ko lahat ng ito. Wala ako sa lugar para magreklamo at ang tangi ko lang magagawa ay tapusin ang lahat ng mga ito. Isang katok ang biglang gumulat sa seryoso kong trabaho at mabilis akong napalingon. "Come in!" Nang bumukas ang pinto ay si Trolem lang pala. Tinaasan ko siya ng aking kilay upang magsalita kung ano ang kaniyang sadya dahil pagod na akong magtanong. Naubos na yata ang lahat ng lakas ko sa dami kong trabaho. "Let's eat," tawag sa akin ni Trolem para yayain akong kumain. Tiningnan ko ang orasan at hindi ko namalayan na tanghali na pala. "Sige lan