Chapter 53

1044 Words

Matapos kong pakainin si Petrus sa kwarto ay nagpaalam ako sa kaniya na lalabas muna. Huhugasan ko ang mga pinagkainan namin at sinabi kong magpahinga na muna siya sa kwarto. Pero dahil matigas ang ulo niya ay kaagad naman niya akong sinundan. "Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong at hindi ako makampanti sa kalagayan niya. "'Di ba sabi ko sa 'yo na magpahinga ka na muna!" Ngumiti siya. "Magaan na ang pakiramdam ko, ang galing kasi ng nurse ko," pagbibiro niya sa akin. "Inuuto mo yata ako, eh!" sabi ko at tinawanan niya lang ako. Alam kong hindi siya okay at hindi madali ang pinagdadaanan niya. Pinapakita niya lang sa akin na maayos siya dahil ayaw niya akong mag-aalala. Ngumiti siya at tumango sa akin. "Oo naman," mabilis niyang sagot at mukha naman siyang normal tingnan o pi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD