"Bakit mukhang hindi ka pa natutulog?" nag-aalalang tanong ni Petrus sa akin ng mapansin niya akong nakaupo lang sa kaniyang tabi. Kagabi ko pa siya binabantayan dahil inaapoy ito ng lagnat. Buong gabi ko siyang pinapahiran ng basang bimpo para kahit papaano ay bumaba ang kaniyang init. Nag-aalala na ako at ilang beses ko na siyang ginigising ngunit parang wala siyang naririnig. "Ayos lang ako at huwag mo akong alalahanin dahil wala akong sakit. Magpalakas ka kung ayaw mo akong mag-alala," tugon ko sa kaniya sabay hawak ng kaniyang kamay at pinisil ko iyon ng masuyo. Tumango siya habang nakangiti. "Bakit namamaga ang mata mo, umiyak ka ba?" nagtataka nitong tanong at balak sana niyang tumayo ngunit napahiga ulit dahil biglang kumirot sa sakit ang ulo niya. Inalalayan ko siya at