Ngayong araw ay sinira ko ang pangako ko na hindi ko na hahayaang masira ang buhay ko. Tinawagan ko ang mga magulang ko at nagpaalam sa kanila na hindi na muna ako uuwi sa bahay pansamantala. Pero si Mommy lang ang nakausap ko, ayaw man niyang pumayag pero nagpupumilit ako. Kaya wala na siyang nagawa pa para kumbinsihin ako sa gusto niyang mangyari. Nagpunta ako sa isang bar na alam kong walang makakaisturbo sa akin. Iyong walang nakakakilala sa akin at walang sino mang sasawayin ako. Gusto kong maglasing at ilabas ang saloobin ko. Ito na ang huling araw na babaliwin ko ang sarili ko dahil kay Petrus. Kasalanan ko naman kaya hindi ako dapat magreklamo. "Miss, okay ka lang ba?" rinig kong sabi ng isang binata na kanina pa sa tabi ko hindi umaalis. Nandito ako ngayon sa cou

