Kinaumagahan paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Napabuntong hininga ako dahil sa pagod. Gustong ko lang naman mahalin at magmahal. Iyong mga pagsisisi ko noon na gusto ko sanang ituwid ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng taong totoong nagsisisi. Gustuhin mo mang bumawi pero wala ka ng magagawa. Gusto ko sanang ibalik ang dati na meron kami ni Petrus pero mukhang hindi ko na iyon magagawa dahil pagmamay-ari na siya ng iba. Ang salitang pagpaparaya ay napakahirap talagang gawin. Ngayon ko lang naramdaman na masarap pala ang mabulag at mawalan ng pakiramdam. Mabulag dahil ayaw ko silang makitang masaya at magsisinungaling ako kung sasabihin kong masaya ako dahil masaya siya. Kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko at malayong-malayo sa sinasabi ng iba na masaya ako dapa

