Nag-leave muna ako sa trabaho para kahit ngayon man lang ay makapag-relax naman ako at magkaroon ng oras sa sarili ko na mapag-isa na muna. At kahit papaano ay makapag-isip muna ako kung paano ko malalagpasan ang nararamdaman kong pighati ngayon sa aking puso. Buong gabi ay wala akong ginawa kundi ligpitin ang mga naiwang alaala namin ni Petrus. Mga gamit noong mga panahong nagsasama pa kaming dalawa rito. Madaling araw na akong nakatulog pero naalimpungatan ako bigla kaya nagising rin ako kaagad. Kaya ngayon ay inaantok na ako ng sobra at hindi naman ako makatulog muli. Kasi paano ba ako makakapag-relax kong may dalawang naghaharutan sa mismong condo ko ngayon? Unang araw pa lang nila rito sa space ko pero gusto ko ng sumuko sa ka-corny-han nilang dalawa. Dinaig pa yata nil

