"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas para sabihin sa akin 'yan, Dawn! Nakokonsinsiya ka ba talaga o sinasabi mo lang 'yan para guluhin na naman ang buhay ko? Tinapos mo na ang sa atin 'di ba?" sarkastiko niyang tanong sa akin. Kung tutuusin ay nakakahiya ang mga sumbat niya sa akin. Ako itong humiling na bigyan niya ako ng kapayapaan at mangyayari lang iyon kung bibitawan na niya ako. Pero hindi ko akalain na ako rin pqlq ang gagawa ng paraan para magkabalikan kaming dalawa. "Oo dahil totoong pinagsisisihan ko ang ginawa ko at nakokonsinsiya ako kaya ako humihingi ng tawad. Araw-araw akong nagsisisi ngayon kung bakit ko 'yon nagawa sa 'yo. Hindi ko inakala na dahil sa ginawa ko ay ako rin pala ang magdurusa. Mahal pa kita hanggang ngayon, Petrus at galit na galit ako sa sa

