Hindi rin nakatakas sa akin nang makitaan ko siya nang gulat nang makita niya ako sa harap niya mismo. At kahit lasing ako ay sigurado ako sa aking nakitang reaksyon. Kahit na lasing ako ngayon ay natitiyak ko na hindi ako makakalimot kinabukasan. Alam ko rin kung ano ng ginagawa ko at alam 'yon ni Petrus dahil bukod sa matalik kong kaibigan na si Ergie at magulang ko ay siya lang ang bukod tanging kilala ako ng husto. Pinanliitan niya ako ng mga mata niya at pinukol ako ng nakakatakot na titig. Halatang hindi niya nagustuhan ang pagpaparito ko. Tiningnan niya ang orasan sa kaniyang pulsuhan bago ako kinausap. "Ano'ng oras na? Madaling araw na at nagawa mo pang pumunta rito ng lasing. Hindi mo ba alam na namumulabog ka na!" matigas niyang wika pero may pagpipigil ang kaniyang

