Pagkatapos naming kumain ni Trolem ay naging matamlay ako. Paano ako magiging maayos? Kung nakita ko ang taong mahal ko pero para bang hindi man lang ako dumaan sa buhay niya. Kung makatingin siya sa akin ay para bang wala man lang kaming mga pinagsamahan. Para bang kinalimutan na niya na minsan niya rin akong minahal at naging importante sa buhay niya. Gaya ng unang plano ay natuloy ang aming pagba-bar. Pero wala ako sa aking sarili at kahit na nagkakasayahan ang lahat ay hindi ko magawang sumabay nang tawa. Nalulungkot ako at hindi ko mapigilang isipin si Petrus kanina. Mas lalo siyang gumagwapo ngayon at ang sabi nga nila ay kapag nasa tamang tao ka ay mas lalong nagiging maganda o gwapo ang tao. Hindi ko maiwasang magselos sa tuwing naiisip ko 'yon. Ayaw kong pinapahira

