"Kaya mo 'to at nandito kaming lahat na nagmamahal sa 'yo. Nawala man si Petrus sa buhay mo pero hindi kami," nangangako niyang saad sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit at inilalayang bumaba na mula sa rooftop. Kinumbinsi niya akong pagsubok lang ito at kung ano man ang magpapagaan ng kalooban ko ay gawin ko. Hanggang sa kaya ko na ulit ang lahat at handa na ulit akong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi na kailangan ang ibang tao. Pinaliwanag niya sa akin na hindi ako dapat dumipende sa kahit na sino dahil kapag nawala 'yong taong iyon ay tiyak na babagsak rin ako. "Tama ka, Trolem, hindi ko 'to dapat ginagawa," nasasaktan kong wika habang humihikbi. "Alam mo ba iyong sakit? Iyong sakit na sobrang sakit na sakit na pero hindi mo man lang magawang magreklamo dahil kasalana

