Matapos kong um-absent sa trabaho noong nakaraang araw ay nakapagpasya akong mag-leave muna para may sapat akong panahon para maalagaan siya.
Nakakahiya mang aminin pero hindi ko na lang sinabi kay Petrus na tinanggap ko ang tulong ni Mommy.
Alam kong ayaw niyang manghihingi ako sa kanila ng tulong o kaya ay tumanggap ng tulong dahil baka isipin daw ng mga magulang ko ay piniperahan niya lang ako.
Pero kilalang-kilala ko na ang mga magulang ko. Alam kong hindi nila magagawang mag-isip ng gano'n.
At dahil kaibigan ko si Ergie ay kaagad naman akong pinayagan ng walang maraming sinasabi.
Pabor sa kaniya ang pasya ko para lang maayos ang relasyon namin ni Petrus.
Siya ang higit na nakakaalam lahat sa mga pinagdadaanan ko.
Sinabi ko kasi sa kaniya na dahil sa kawalan ng oras ay kaya napapalayo ang loob namin ni Petrus sa isa't isa.
Naisipan ko ring dalawin siya sa trabaho dahil nasabi niya sa akin na maaga siyang uuwi.
Gusto ko sanang mag-dinner na lang kami sa labas at hihintayin ko na lang siya sa kaniyang opisina.
Pinghandaan kong mabuti ang aking itsura at siniguradong hindi ako magmukhang manang.
Nagsuot ako ng kulay peach na damit na umabot lang sa tuhod ang laylayan.
Malamig ang tela at makinis na klase na may manipis na strap lang sa balikat.
May pagka-cleavage ang style at sopistikada pa ring tingnan kahit na daring ang suot ko.
Nang makarating ako sa harap ng building nila ay muntik na akong hindi papasukin ng guard. Ang dahilan nito ay tapos na raw ang oras ng trabaho.
Nakipagtalo pa ako dahil sinabi kong girlfriend ako ni Petrus pero tinawanan lang ako ni Manong guard dahil hindi ito naniniwala sa akin.
Paulit-ulit kong sinabi na girlfriend ako ni Petrus pero wala siyang pakialam.
Umiiling pa ito at tumatawa ng malakas at pinasadahan pa ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Miss, maganda ka naman pero huwag ka namang magbiro ng ganiyan!" sabi nito sa akin at para akong nainsulto.
Kung hindi lang ako magkakasala ay gusto ko nang dukutin ang mga mata niya.
Ang sarap na niyang murahin pero pinigilan ko na lang ang aking sarili at dinaan na lang sa pagbuntonghininga.
Kaya wala na akong ibang choice kundi ipakita sa kaniya ang cellphone ko na may litratong magkasama kaming dalawa ni Petrus.
Nakita nito ang mga pictures namin mula pa ng college kami at ang mga pictures hanggang ngayon.
Natawa ako ng mapansin kong para siyang natulala. Kaya dumiretso na ako nang pasok sa loob at hindi na ako nagawa pang pigilan.
Nagtanong ako sa lobby kung saan ang office ni Petrus nang makita ko ang babaeng paalis na rin.
Tinitigan ako nito ng mabuti bago nito tinuro sa akin ang daan.
Kaya sa inis ko ay tinaasan ko ito ng kilay kaya kalaunan ay yumuko ito at nagkunwaring may hinahanap sa kaniyang bag.
Nagtataka man ako sa kanilang inasta ay pinagsawalang bahala ko na lang.
Napaiiling na lang ako sa tuwing naiisip ko ang kanilang mga itsura dahil parang hindi sila makapaniwala na ako ang girlfriend ni Petrus.
Kakatok na sana ako nang mapansin ko ang pinto na nakaawang.
May naririnig din akong may kausap siya sa loob at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Ayaw ko sanang makinig dahil alam kong hindi tama ang makinig ng usapan ng iba pero pamilyar sa akin ang boses ng babae kaya naintriga ako.
Lumapit ako sa pinto at sinilip ng konti ang loob at napagtanto kong tama ako ng hinala.
Nakatayo silang dalawa at masinsinang nag-uusap.
Kaya nagtago ako sa likod ng pinto at patuloy na nakikinig sa kanilang mga usapan.
"I don't believe you, Petrus! Dont tell me na hindi mo ako mahal? Kahit ba konti Petrus ay wala talaga?" nanginginig ang boses ni Salme na sinisigawan si Petrus.
Halata sa kaniyang boses na malapit na itong maiyak. At sa tingin ko ay kanina pa sila nag-uusap.
"I'm sorry, Salme but I won't love you back and you know much much I love her. All about us is just a plain attraction and it's a far from love," mahinahong paliwanag ni Petrus sa kausap.
"But I love you! You know that from the first place!" naiiyak niyang sumbat at nanginginig pa rin ang kaniyang boses. "You know that you are the only one I love and the person I will love."
"Mali 'to," tugon ni Petrus sa dalaga.
"Wala akong pakialam, mali man o tama ang ginagawa natin. Ako ang una mong nakilala at ako ang una mong pinangakoan at hindi mo iyon basta-basta na lang babalewalain, Petrus!" paalala niya sa boyfriend ko.
Nagulat ako sa narinig at kinabahan. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko.
At napahawak ako sa aking dibdib dahil nagbabasakaling kaya ko itong makalma ngunit naglamali ako dahil mas lalo lang bimilis ang pintig nang mahawakan ko na.
Ang salitang pinangakoan niya si Salme ay ang salitang bumabagabag sa akin.
"Kung ano man ang nangyayari sa atin ay hanggang doon na lang 'yon. Sana ay maintindihan mo, Salme. Ayaw kitang paasahin dahil may girlfriend na ako. At nakokonsensiya ako sa tuwing nagkakasama tayo kaya please lang kung maaari ay itigil na natin ito," matigas na sabi ni Petrus at pinapaintindi sa babaeng kausap niya ngayon.
"Hiwalayan mo siya para hindi ka na makonsensiya pa. Kung hindi lang naman dahil sa operasyon ng kapatid mo ay hindi mo naman tatanggapin ang hiniling ng ama niya 'di ba? Sana sa akin ka na lang lumapit... sana sa akin na lang Petrus!" umiiyak itong sabi at puno ng panunumbat.
Ako man ay biglang napatulo ang aking mga luha. Hindi ko maintindihan lahat o hindi kaya ay mas mainam sabihin na wala akong maintindihan.
Pero napakasakit malaman na napilitan lang pala sa akin si Petrus.
"Salme, kung gusto mong magpatuloy pa tayo ng ganito ay huwag mo akong sakalin. Hindi mo ako pagmamay-ari. Magpasalamat ka na lang dahil pinagtutuonan pa kita ng pansin at huwag ka nang humingi pa ng sobra," malamig nitong wika.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Ibig sabihin ay may kung ano sa kanilang dalawa na hindi ko alam.
At kung hindi pa ako pumarito ay hindi ko malalaman na matagal na pala nila akong ginagago.
Maingay sila sa loob at patuloy na nagpapalitan ng mga salita.
Naririnig ko rin ang pagmamakaawa ni Salme sa nobyo ko. At may kung ano'ng mga inggay na parang tunog ng itinapong papel.
"Sinungaling ka, Petrus! Ikaw ang nagsabing hintayin kita! Nangako kang magiging tayo kapag nakapagtapos ka na. Pero lahat ng mga pangako mo sa akin ay kinalimutan mo lang na para bang hindi ako importante sa 'yo," umiiyak niyang sabi kasabay rin nang pag-iyak ko sa likod ng pinto. "Tiniis ko kahit sobrang sakit... ako itong pinangakoan mo pero sa kaniya mo tinupad," patuloy niyang sumbat habang umiiyak.
Wala na akong narinig na sagot mula kay Petrus. Habang ako ay nakatulala lang ako sa aking kinatatayuan at tahimik na umiiyak.
Ni hindi ko namalayan nabuksan na pala ni Petrus ang pintoan kung saan nandoon ako nakatayo at nakikinig sa usapan nilang dalawa.
Gulat na gulat ito nang makita ako at alam kong hindi niya inaasahan na makita ako ngayon.
Akma niya akong lalapitan ngunit bigla ko siyang pinigilan.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Dawn, let me explain," saad niya at matiim niya akong tinitigan.
Umiling ako at pinapatigil siya sa paghakbang. Kinompas ko pa ang aking mag kamay para hayaan na niya ako.
Naguguluhan ako dahil hindi ko pa kayang marinig kung ano man ang sasabihin niya.
Dahan-dahan akong humakbang paatras at tuluyan ko na siyang tinalikuran na may maraming katanungan.
Hindi ko rin kaya siyang sumbatan agad siya at tanungin sa gusto kong malaman dahil sa labis na gulat.
Kahit sa aking panaginip ay hindi ko iisiping magagawa niya ang bagay na ito.
Nanginginig akong tumakbo sa labas at nagpara ng taxi para makasakay kaagad.
At nagpapasalamat ako dahil ilang saglit lang ay nakasakay ako kaagad.
Nanginginig pa ang buong katawan ko at ang mga kamay ay hindi ko makontrol.
Nahirapan pa akong buksan ang pinto ng kotse dahil sa nasaksihan.
Napaisip ako kung ano pa ba ang kulang sa akin? Kung bakit niya nagawang lukohin ako?
At ano ang hindi niya makita sa akin na nakikita niya sa iba?
Sinabi ko sa driver ang address ng condo at nilibang ang sariling tingnan ang labas mula sa salaming bintana ng kotseng sinasakyan.
Ngunit mas lalo lang akong naging malungkot at kahit makakita pa ako ng magagandang tanawin ay hindi ko kayang makalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Manong, pwede po ba'ng pakibilisan ng konti?" Hiling ko sa driver ng mapansin kong mahina ang kaniyang pagpapatakbo.
"Okay po, Ma'am," tugon nito habang sumusulyap siya sa akin.
Pasimple niya akong tinititigan sa maliit na salamin na nakasabit sa harap niya.
Pero hindi ko na lang pinansin at wala na akong panahon para pansinin pa ang ibang mga tao sa paligid ko.
Wala akong pakialam kung ano ang iisipin nila dahil wala naman silang maitutulong sa problema ko.