Chapter 39

1427 Words
Nang marating ko ang condo ay kaagad akong kumaripas nang takbo sa elevator. Pasarado na ito nang bigla kong pinigilan ang pinto. May dalawa ring nakasakay doon at natahimik nang pumasok ako sa loob. Pinagtitinginan nila ako at pakiramdam ko ay napaka-haggard ng mukha ko. Pero bahala na sila kung ano man ang iniisip nila tungkol sa akin? Nang marating ko ang nasabing floor kong saan ang aming space ni Petrus ay nagmamadali akong lumabas at dumiretso na sa pinto. Natagalan pa ako sa pagbukas dahil hindi pa nawawala ang panginginig ng aking mga kamay. Umiyak ako at nagmamadaling tinungo ang closet kung saan nakalagay ang lahat ng mga gamit ko. Kinuha ko ang maleta ko at nilapag ko iyon ng pabagsak sa kama. Isa-isa kong kinuha ang mga damit ko at pinasok sa maleta habang umiiyak. Pinagsisiksikan ko ang lahat ng mga gamit na kailangan ko. Habang nagliligpit ng mga gamit ay hinahayaan ko na lang ang aking mga luhang nahuhulog sa aking pisngi. Para akong pinipiga nang dahan-dahan sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag ang narinig ko pero isa lang ang alam ko. Niloko niya ako! Hindi pa man ako tapos sa aking pagliligpit ay may isang malakas na tunog ang nanggaling mula sa pinto. Hindi ko man tingnan kung sino ang dumating ay alam ko na kung sino iyon. Dinoble ko ang bilis ko sa pagliligpit upang makaalis na kaagad. "Dawn, ano 'to?" natataranta niyang tanong sa akin pero hindi ko siya pinansin. Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang mga gamit na niligpit ko. Ibinalik niya iyon lahat sa closet ko kaya binigyan ko siya nang masamang tingin. Hindi ako nagpatinag sa kaniya at kinuha ulit ang mga gamit ko. "Dawn, bakit ka ba nagliligpit?" natataranta niyang tanong pero ayaw ko siyang kibuin. "Dawn, ano ba itong ginagawa mo?" ulit niyang tanong sa akin. "Seriously, Petrus! Tinatanong mo pa ba talaga ang mga iyan sa akin?" Galit ako sa kaniya at sa pagkakataong ito ay ayaw ko na siyang makita. Parang mas lalo lang akong masasaktan sa tuwing nakikita ko ang mukha niya. Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lang kung paano niya akong niloko. Hindi ako makapaniwala sa lahat nang narinig ko kanina dahil sa lahat ng taong iniisip kong hindi ako sasaktan ay si Petrus iyon. Gusto kong magwala pero pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko siyang saktan at iparamdam sa kaniya kung gaano kasakit ang iparamdam niya sa akin. Pero kahit na saktan ko siya ay hindi pa rin sapat ang pinaramdam niya sa akin. Para niya akong pinatay. "Dawn, pag-usapan natin 'to. Huwag mo naman ganito," pigil niya sa akin at nag-agawan kami ng mga gamit ko. Matiim ko siyang tinitigan habang umiiyak at malakas na hinablot ang mga damit kong hawak niya. "Dawn, let me explain," nagmamakaawa niyang sabi. Pinigilan niya ang mga kamay ko pero binawi ko iyon at nagpatuloy sa aking ginagawa. "Dawn, magsalita ka naman, huwag naman ganito. Pag-usapan na muna natin 'to, hindi iyong ganito ka." Biglang umigting ang tenga ko sa narinig. Kaya bigla ko siyang nasampal ng malakas. Parang ako pa ang may mali sa sitwasyon namin kung bakit hindi ko siya kinakausap. "Ano'ng sabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo, Petrus? Pag-usapan, ano'ng dapat nating pag-usapan? Sige pag-usapan natin ngayon kung ano ang relasyon niyo ng babaeng iyon?" malakas kong singhal at galit na galit siyang hinarap. Bigla siyang natahimik sa aking sinabi kaya pinaghahampas ko siya sa kaniyang dibdib ng hindi siya makasagot sa tanong ko. "Sumagot ka, ano mo ang babaeng iyon?" asik ko habang humihikbi pa rin sa pag-iyak. Umiling siya sa akin at walang imik. "Sino ba talaga siya sa buhay mo, Petrus? Kung gusto mong maayos pa natin ito, sabihin mo sa akin ang lahat. Dahil pakiramdam ko parang hindi na kita kilala," umiiyak kong sumbat at patuloy siyang hinahampas sa dibdib niya. Para na akong nauubusan nang lakas sa aking ginagawa. At hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin dahil kahit na huli ko na sila sa akto ay ginagawa niya pa rin akong tanga. "Before I met you I promised her that I would court her. And I told her to wait for me until I finished my studying but you came... at lahat ay nagbago," malungkot niyang sabi sa akin. Tumango ako at naiintindihan ko na ang sitwasyon. Ibig sabihin ay naging mahalaga ito sa kaniya. Na kung hindi lang ako dumating sa buhay niya ay si Salme ang babaeng kasama niya ngayon. Para akong hinati sa narinig dahil akala ko ako lang talaga ang babaeng pinapahalagahan niya. "Girlfriend mo rin ba siya?" nahihirapan kong tanong at pilit siyang pinapaamin. Umiling siya at malungkot akong tinititigan. Wala akong tigil sa aking pag-iyak dahil sa aking nalaman. "She's my first crush at may nangyari sa aming dalawa bago pa kita makilala," mahina niyang amin ngunit sapat na iyon upang marinig ko ang lahat. Para akong binaon sa lupa dahil sa narinig at tuluyan na nga akong naubusan nang lakas. Nanginginig ang mga tuhod ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Para akong sinaksak sa patalim nang paulit-ulit dahil nagre-rewind sa aking tenga ang kaniyang mga sinabi. Matagal din bago ako makabawi at nagsalita. Hindi pa rin ako lubos makapaniwala. "W-what did you say?" nauutal kong tanong. Malinaw ko mang narinig ang kaniyang sagot pero mas gusto ko siyang tanungin ulit dahil gusto ko lang kompirmahin. Tumitig lang siya sa akin at puno ng pagsisisi ang kaniyang mga mata. Hindi siya kumibo pero makikita sa kaniyang mga tingin ang kasagutan. Kaya sumigaw ako nang malakas at pinaghahampas ang lahat ng mga nahahawakan ko. "How long have you been fooling me?" mahina kong tanong sa kaniya. "Sumagot ka?" malakas kong sigaw ng hindi siya sumagot. Isa-isa kong pinagbabasag ang mga gamit sa loob ng condo at kahit ang mga couple pictures frame naming dalawa. Pinaghahampas ko iyon sa pader at ang iba ay binagsak ko sa sahig. Malakas man ang iyak ko pero wala na akong pakialam pa. Ang iniisip ko na lang ngayon ay maipalabas ko sa kaniya ang galit ko. "Ano pa ba ang kulang, Petrus? May pagkukulang ba ako sa iyo?" umiiyak kong tanong at nqguguyna rin. Tahimik lang siya at nang akma niya akong lalapitan ay kinompas ko ang aking kamay upang pigilan siya. Nagmatigas siya kaya sininyas ko ulit ang aking mga kamay at umatras papalayo sa kaniya. Pakiramdam ko ay para niya akong pinaparusahan sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginawa. "Do you think I deserve this?" "Dawn..." Yumuko ako at nakita ko sa paanan ko ang mga basag na frame. Pinulot ko iyon at walang pakialam kahit may mga bubog pa mula sa mga wasak na salamin. Tinanggal ko ang mga puictures doon at pinunit hanggang sa nagkapira-piraso lahat. Dahil sa ginawa ko ay nagkasugat ako sa aking mga kamay at hinayaan lang na tumutulo ang dugo sa sahig na nagmula sa aking sugat. "Ilang beses, Petrus?" tukoy ko sa pag-iisa ng kanilang mga katawan. Gusto kong malaman kong ilang beses nilang pinagsawaan ang isa't isa. Kung ilang beses silang nagtikiman! Malungkot ang kaniyang mukha at puno ito ng pag-aalala habang tinitigan ako. Alam kong gusto niya akong lapitan pero ako ang ayaw. Mas lalo lang akong magwawala kong ipipilit niya ang gusto niya. "I'm sorry," sabi niya sa akin na para bang ang dali lang ng ginawa nila sa akin. Matagal na nila akong ginagago at wala akong kamalay-malay na ginawa na pala nila akong tanga. Tapos ngayon, sorry lang na para bang ang tanga ko upang tatanggapin lang at ibigay sa kaniya basta-basta ang hinihingi niyang kapatawaran. Mabilis ko siyang nilapitan at pinagsasampal siya sa mukha upang matauhan siya. Nagdurugo na rin ang gilid ng pisngi galing sa sugat ng aking kamay. "Ang kapal ng mukha mong manghingi ng tawad sa akin. Pagkatapos mo akong saktan ng ganito? Angkapal-kapal ng mukha mo! Kayong lahat! mManloloko kayo! Pinagkakaisahan niyo akong lahat," patuloy kong sumbat at umiiyak. Niyakap niya ako nang mahigpit ngunit pinaghahampas ko siya dahil sa galit. "Kaya pala iba ang mga tingin sa akin mga kasamahan mo sa trabaho, dahil naiintindihan ko na! Si Salme ang gusto nila para sa iyo hindi ba? At kaya pala noong nagdaang ilang mga buwan at araw ay hindi ka nakakauwi ng maaga," paalala ko sa kaniya ngunit hindi niya pa rin ako kinikibo. Lahat ng mga sinabi ko ay hindi niya kinontra. Wala rin siyang paliwanag sa mga sinabi ko. At napakatanga ko kung bakit hindi ko man pinagkatiwalaan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD