Parang tinatambol ang puso ko habang nakatingin sa lalaking wala pa ding emosyon ang mukha hanggang ngayon. Hindi na ito nakatingin sa akin katulad kanina. Ni hindi na niya ako magawang sulyapan man lang ng tingin dahil mas minabuti niyang ituon ang paningin niya sa ibang direksiyon. Hindi ko na din maramdaman ang mga binti ko dahil sa kaba. Marami na din ang nabuong katanungan sa isip ko; at isa na do'n ang kung papaano nila kami natunton dito. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Ate Cath kanina ay wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam sa kung nasaan kami ngayon. Pero mukhang malakas ang pang-amoy nitong mga 'to kaya ngayon ay nandito silang lahat. "What are you doing here, guys? Why are you all here?" Tanong ni Ate Cath nang makahuma sa pagkagulat. "Ari? Geoff?" Untag nito nang walang sum

