Nang pareho kaming mapagod sa kakalakad ay napagpasyahan ni Mishari na bumalik na lang kami sa kung nasaan ang mga kasama namin. Siguro ay okay na siya ngayon at wala na siyang inis na nararamdaman. Mukhang pahapyaw lang ang galit niya dahil napag-isip-isip niya siguro na katuwaan lang ang lahat ng iyon at hindi seryosohan. Tsaka hindi naman iba sa kanya ang mga kasama ko. At nandito pa lang kami sa may gate ay rinig na rinig na namin ang mga halakhakan at hiyawan nila habang may tumutugtog na isang musika. Mukhang nagkasundo-sundo na silang lahat, ah? "Who made you wear this dress, Jill?" Hinawakan niya ang gilid ng suot ko bago pa man ako makahakbang papasok sa loob ng resort. "Pauleen Alyanna Arguelles. She tricked me." I half-smiled at him. "Bagay ba?" "Bagay naman..." aniya sabay

