Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko sa buong sistema ko habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Hindi ko mawari kung ano ba ang eksaktong nararamdaman ko sa ngayon, ngunit nangingibaw ang galak sa dibdib ko sa mga oras na 'to. At kahit na may hawak akong bridal boquet sa mga kamay ko, nanunuot pa din ang lamig sa mga palad ko, at kahit hindi naman ako pasmado ay pinagpapawisan ang mga ito. Kung hindi lang siguro malakas ang buga ng aircon dito sa loob ng sasakyan ay kanina pa tagaktak ang pawis ko dahil sa kaba. Humugot ako ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang dibdib ko na kumakabog ngayon. Ramdam na ramdam ko iyon dahil sa wedding gown na suot ko. Hindi naman ito masikip at kumportable naman ako sa paggalaw subalit kapag gumapang talaga ang kaba, gusto nang lumabas ng pu

