Chapter 135

3937 Words

Malalim na ang gabi ngunit nandito pa din kami sa labas. Mas lalo pang lumakas ang hampas ng alon at mas lalo ko nang ramdam ang lamig dahil namatay na din ang apoy mula sa bonfire. Tinatamaan na din ako ng antok dala ng beer na nainom ko, ngunit itong mga kasama ko ay masisigla pa ding nag-uusap-usap. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ng katabi ko na mukhang hindi pa din inaantok dahil nakikisali pa din siya sa usapan. Ako lang ang natatanging tahimik dito. Hindi din naman kasi ako nakapagpahinga nang maayos kanina. Hindi din ako natulog kaya siguro ngayon ay nauubusan na ako ng enerhiya. Niyakap ko ang mga tuhod ko nang umihip ang hangin saka pumikit. Ang sarap sanang matulog dito dahil napaka-presko ngunit wala naman kaming tent. "Inaantok ka na?" Bulong ni Ari. Tinanguan ko lang siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD