Maingay kaming magkakasama sa may malapit sa dagat habang nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan. Nakaupo kami paikot sa sinet nilang bonfire. May mga bote din ng beer sa mga harapan namin at iba't ibang uri ng pagkain katulad ng: grilled meat at seafoods. Sumasabay din sa ang hampas ng alon sa may dalampasigan sa mga tinig namin. Malamig na din ang simoy ng hangin ngunit hindi naman iyon masyadong maramdaman sa ngayon dahil sa apoy na pinalilibutan namin. Mabuti nga at puwede dito ang pag-set ng bonfire. Hindi lang din kami ang nakaisip ng ganito dahil may iba ding tao ang nandito sa tabi ng dagat ngayon. May speaker pa silang dala habang malalakas din na nagtatawanan. May mga bar din naman dito na puwedeng puntahan ngunit mas pinili nilang dito na lang magpalipas ng oras ngayong gabi. At mas

