Nang makalabas kami sa syudad ay nagpa-sub si Marion sa pagda-drive kay Ari dahil hindi na daw niya alam ang daan patungo sa pupuntahan namin ngayon. Sinamahan ko siya sa harap para naman kahit papaano ay may ka-kuwentuhan siya dahil tulog 'tong mga kasama namin. Sumisilip na din ang liwanag mula sa kalangitan at sa tingin ko ay sisinagan pa kami ng araw sa daan. Ang buong akala ko ay malapit lang iyon dahil noong gabing dinala ako ni Mishari do'n sa bahay ng Lola niya ay parang saglit lang ang byinahe namin ngunit mukhang mali ako. "Don't you want to sleep, baby? Makipag-palit ka muna kay Britz," ani Ari saka saglit na nilingon ang gawi ni Britz. "Hindi, okay lang ako." Nilingon ko din ang kaibigan namin at siya ang masasabi ko na pinakamasarap ang buhay ngayong oras na 'to. Solo niy