Madaling araw pa lamang ay nakahanda na kami sa pag-alis. Ngayon na 'yong outing na plinano nila at kahit hindi naman gano'n kalayo ang pupuntahan namin, maaga ang naging call time para daw kaagad kaming makarating do'n sa beach resort at makapagpahinga saglit. Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal dahil maagang nagpahanda si Kuya. Ewan ko ba dito kung bakit ang aga niyang nagising. Excited yata siyang sumama sa outing namin. Dito din natulog si Mishari ngunit doon siya sa guest room at wala namang naging problema sa kanya. Iyon nga lang, hindi nga niya ako binulabog doon sa kuwarto ko, hindi naman siya tumigil sa kaka-text. At hindi lang basta text; crude texts. Tigang na tigang na yata siya kaya tawa ako nang tawa kagabi. Busy siya sa work, eh. At nasa bahay din kami kaya hindi puwede