It has been a week since Ari and I got engaged. Isang linggo na din ang lumipas nang mapag-usapan naming ang tungkol sa kasal kasama ng mga magulang namin. Wala naman kaming narinig na hindi maganda mula sa kanila at puro naman sila sang-ayon sa mga plano naming dalawa ni Mishari. Kasama pa nga namin ang mga lola namin noong nag-dinner kami para mapag-usapan ang tungkol do'n. "Hindi ka naman talaga buntis? Baka kaya nira-rush niyo ang kasal niyo dahil buntis ka?" Bumuntong-hininga ako sa tanong ng Ate ko. Ilang beses na ba niya itong itinanong sa akin mula kaninang tumawag siya? Hindi ko na mabilang pero nag-uumpisa na akong maumay. Ilang beses ko na din kasing sinabi na 'hindi'. O baka gusto niyang marinig ang 'oo' na sagot kaya siya paulit-ulit? "Hindi nga ako buntis!" May diin kong s