Pag-alis namin sa bahay ni Mishari ay dumiretso muna kami sa kanila para daw makapagpalit siya ng suot. Hindi naman siya mukhang nakapang-araw-araw lang na damit dahil kahit simpleng t-shirt at cargo shorts lanh ang suot niya, branded naman ang mga damit niya. Ang expensive nga niyang tingnan, eh. Maarte lang talaga ang lalaking 'to. Wala ang mga magulang niya sa bahay nila dahil may binisita daw silang kamag-anak nila. Tanging ang mga kasamahan nila sa bahay ang nadatnan namin at mukhang nag-ge-general cleaning sila. Baka may bisita silang darating o sadyang nagpalinis lang talaga sila. "Hintayin na lang kita dito," usal ko at uupo na sana sa couch sa may sala ngunit narinig ko ang pagpalatak nito. "Doon mo ako hintayin sa kuwarto. Hindi dito." Hinawakan niya ang wrist ko at walang sab