I didn't want to take Jillian with me to the hospital but I also didn't want to leave her again. Kahit na maari ko pa ulit pakiusapan ang mga kaibigan namin na samahan siya sa unit ko, hindi ko na gagawin. Ayoko din naman siyang iuwi sa bahay nila o sa apartment niya. I want her to be with me all the freaking time! If I could just put her in my pocket or hang her around my neck, I will. Nagawa ko lang naman siyang iwan kahapon dahil hindi ko alam kung sino ang mga dadatnan namin sa hospital bukod kay Laureen. Kahit na wala akong kasalanan, natakot pa din ako para sa kaniya na baka kapag isinama ko siya, magalit din sa kaniya ang mga kamag-anak ni Laureen na nando'n because my name was written on her suicide note as if I wanted her to do that to herself. Nakasalaysay doon na kaya niya nag