Hapon na nang bumaba kami sa may swimming pool dito sa condominium building ni Mishari kagaya ng gusto ni Jam. May dala din kaming mga pagkain at inumin ngunit pili lang dahil hindi naman namin puwedeng dalhin lahat, at kailangan pa na naka-proper swimming attire ka dito. At nakakasiguro ako na pinaghandaan talaga nitong mga kasama ko ito dahil may kaniya-kaniyang dalang bikini ang mga babae at naka-swimming trunks ang mga lalake. Wala din akong choice kung hindi ang mag-bikini pero sa top lang. Board shorts ang isinuot ko pang-ibaba. Mabuti nga at tumigil na sila sa pag-uusap tungkol kay Laureen, eh. Subalit hanggang ngayon, hindi pa din bumabalik si Ari dito. Siguro ay gagabihin iyon. Gusto muna siguro niyang masigurado na okay na si Laureen. O baka pinakiusapan siya ni Laureen o kung