Nang makaalis na si Mishari para puntahan si Laureen sa hospital ay hindi ako naging panatag. Natatakot talaga ako na baka isisi ng mga magulang ni Laureen kay Ari itong nangyari sa kaniya kahit na wala namang kasalanan 'yong isa. At hindi talaga ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa sarili niya iyon. Nakakatakot ang gano'n. Sobrang mahal ko si Mishari ngunit hindi ko nanaisin na kitilin ang buhay ko. Ayokong maging selfish dahil alam ko na trauma ang dulot no'n sa mga maiiwan ko kung sakali man. Habang buhay nilang dadalhin iyon at habang buhay ko silang mapapahirapan kahit na wala na ako kapag ginawa ko. Sana ay naisip iyon ni Laureen bago siya gumawa ng gano'ng klaseng hakbang. Hindi solusyon sa problema ang pagpapakamatay. Iyon nga lang, wala akong alam sa kung ano ang tumatakbo s