Isang malakas ng tunog ng cellphone ang gumising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Wala akong ideya kung anong oras na, ngunit sa tingin ko ay masyado pang maaga. O baka dahil ala una na lang kami natulog ni Ari kagabi kaya sa tingin ko ay maaga pa? Hindi naman kami nagtagal do'n sa food park. Pagkatapos naming makipag-kuwentuhan ay nagpasya na kaming umuwi na lang at piniling mag-movie marathon kaya inabot kami ng madaling araw. Kahit kasi maraming tao do'n at may mga kasama kami, nakakaramdam pa din ako ng inip. Siguro ay gano'n din ang nararamdaman ni Ari kagabi. Hindi man siya sinabi sa akin, alam kong pareho kami. Maayos din naman niyang napakitunguhan ang mga kasama ko. Nakapikit kong kinapa ang kamay na nakapasok sa loob ng t-shirt ko saka iyon maingat na tinanggal. Tu