Chapter 92

1951 Words

Pinaglalaruan ko ang cellphone sa kamay ko at pinipigilan ang sarili na i-text or tawagin si Mishari. Gusto ko lang naman itanong kung pupunta din ba siya sa Nightlife ngayon. Ayoko namang maging inconsiderate sa nararamdaman niya kahit na ako mismo ang humingi ng space. Tsaka, baka hindi naman siya pupunta do'n. Baka isipin niya na kaya ako humingi ng space ay dahil gusto kong makipag-party-party lang kahit hindi naman talaga gano'n 'yong dahilan ko. Bumuntong-hininga ako saka idinayal ang numero ni Jamayma. Kaysa naman si Ari ang tawagan ko, si Jam na lang ang tatanungjn ko. "Jill, papunta na kami diyan," bungad ni Jam nang sagutin ang tawag ko. Halata ngang nasa kalsada na sila dahil nakakarinig ako ng mga busina sa background. "Yeah, okay. Pero magbibihis pa lang ako," pahayag ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD