Isang linggo na ang lumipas mula no'ng humingi ako ng space kay Ari at umalis sa unit niya. Maayos ko namang nairaos ang isang linggo na 'yon kahit na wala nang paramdam si Mishari. Pagkatapos niyang umalis sa bar noong gabing iyon, hindi na kami muli pang nag-usap. I tried to chase him that night, though. Iyon nga lang, hindi ko na siya naabutan. Ang bilis niyang nakaalis, eh. O sadyang mabagal lang akong tumakbo nang gabing iyon kahit na halos bungguin ko na 'yong mga tao sa bar? I don't know. I want to make it up to him that night. Handa na akong wakasan 'yong space na hiningi ko. Ang kaso, walang nangyari. And I want to blame Kairos. Kung hindi lang siguro siya sumunod sa akin, hindi kaagad aalis si Ari. Kung hindi lang sana siya naging makulit at nakaintindi, makikipag-ayos na ako s