Nakatitig ako sa screen ng phone at paulit-ulit na binabasa ang text message sa akin ni Jillian. Iniisip ko kung re-reply-an ko ba siya o hindi. It has been days since I started ignoring her. Pati ang mga tawag niya at texts, hindi ko pinapansin. At hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko ngayon. Baka mamaya ay lumiko na naman ang utak niya at kung anu-ano na naman ang maisip. Papatayin ko talaga ang mga kaibigan ko sa naisip nilang ipagawa sa akin na 'to. May choice naman ako na huwag sundin ang mga kaibigan namin, ngunit gusto ko ding subukan. Ilang araw ko na siyang natitiis at siguro ay napapansin na din niya ang hindi ko pagpansin sa kanya this past few days. Kahit sa campus ay hindi ko din siya masyadong pansin. Paano ko siya papansin kung 'yong mga kaibigan namin, eh, iniiwa