Pabalik-balik ako ng lakad sa aming sala habang malakas na kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman ko, ngunit isa lang ang sigurado; gusto kong magsuka dahil sa magkahalong nerbyos at excitement. Hindi ako kinabahan noong magbigay ako ng graduation speech no'ng araw ng graduation kahit na maraming tao sa Multi Purpose Hall, pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko kahit na palakad-lakad na ako. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso anumang oras. "Bro, sit down. Kanina pa ako duling kakapanood sa'yo diyan," reklamo sa akin ni Britz. Saglit akong huminto sa paglakad para balingan siya ng tingin. Mumurahin ko na sana siya ngunit napansin ko na mukhang hindi lang siya ang gustong magreklamo sa akin ngayon. Halos lahat ng mga kasama