Gulong-gulo ang utak ko habang dina-drive ang sasakyan ni Trisha. Bigla na lamang siyang sumulpot sa bahay kanina para magpasama sa akin na makipagkita doon sa ka-M.U niya. She was so damned excited and all. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sumama sa date nila ngayon. Nasa graduation ceremony pa yata ang utak ko kahit dalawang araw na ang lumipas. Though, natutuwa ako dahil para bang gusto niya na makilala ko din iyong guy. At sa akin pa niya unang ipapakilala sa aming magkakaibigan. Pero ngayon, hindi ko mawari kung malungkot siya o ano. Tulala kasi siyang nakatingin sa unahan at para bang maiiyak na anumang oras. Namumula na kasi 'yong ilong niya na para bang pinipigilan na lang niyang kumawala ang emosyon niya. "Trisha Avery Cruz, are you okay?" Tanong ko nang hindi na ako