Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga naging kaganapan kagabi. The whole thing was completely surreal. Hindi ako handa, ngunit alam ko sa sarili ko na gusto ko 'yon at tama iyong naging pagpayag ko. Pakiramdam ko ay naka-angat ako sa ere sa mga sandaling iyon. Iyong inis ko kay Mishari kahapon noong makita ko siya sa restaurant, nawala na lang na parang bula. Alam na alam talaga niya kung paano alisin ang katinuan ko. Kung hindi ko lang siguro suot ang singsing na ibinigay niya kahapon, hindi talaga ako maniniwala ngayon. At sobra ang nararamdaman kong saya dahil sa kabila ng mga nangyari -- sa mga nagawa ko sa kanya, ako pa din talaga ang gusto niyang makasama habang buhay. Kinuha ko ang unan at mahigpit na niyakap habang nakangiti nang malapad. Gusto ko na lamang ma