NANG maihatid sila ni Clint sa chateau ay agad din itong umalis, halatang umiiwas sa kaniya. Sinubukan niya itong kausapin pero hindi niya nagawa dahil abala sa katawagan ang lalaki. Ramdam niyang sinadya nito iyon para hindi siya magkaroon ng chance para mag-open ng conversation. Gayunman, umasa siyang babalik si Clint para makapag-usap sila nang maigi. Pero napatulog na niya si Jex ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Hanggang hatinggabi at igupo siya ng antok, walang Clint na dumating. Naalimpungatan siya nang marinig ang hikbi ng batang katabi. Agad siyang bumangon at inalo ang bata. "Hey, baby, what's wrong?" "Mommy! Si mommy, nakita ko. Nakita ko siya pero umalis ulit. Nagmakaawa ako pero hindi niya ako pinakinggan." Agad niyang niyakap ang luhaang bata, pigil ang mga luhang