"DADDY, you're here?" inosenteng tanong ng bata sa ama. "Yes, baby, na-miss kita kaya pumunta na ako rito. Your ate Tess told me you're here." Sinalubong ang anak at ginulo ang buhok nito. "Because I'm scared. Baka magwala ka ulit kagaya kagabi. You're so scary when you're drunk, Daddy." Lumuhod si Clint para magpantay ang mukha nila ng anak. Hindi niya gustong matakot ito sa kaniya pero hindi niya nakontrol ang galit kagabi. Gusto niyang pumatay. Patayin si Dean Vergara. "I'm sorry, son. Hindi na iyon mauulit. Promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay bilang simbolo nanunumpa. She was touched by the two boys scene. Sila ang buhay niya. Ang nagpapasaya sa kaniya sa bawat araw. Ang kaniyamg mag-ama. Hindi niya napigilan ang luhang sumungaw sa kaniyang mga mata. Sana darating