CHAPTER 45 "Are you happy?" Iyon ang tanong ni Courtney habang inaayusan siya ng sikat na makeup artist na kinuha ni Clint para sa kasal nila. Suot nito ang beige gown para sa maid of honor. Maganda na ito dati at makurba pero ngayon mas gumanda pa lalo ang kaibigan niya. Mukhang nahiyang sa piling ng isang guwapong Villasis. Though hindi niya batid kung ano talaga ang dalawa. Wala kasing maikuwento si Courtney sa kaniya. Ganoon naman ang kaibigan. Pagdating sa lovelife masyadong malihim. Nabigla nga siyang makita ito noon kasama si Seth. Wala sa hinagap na magsasama ang dalawa sa iisang bubong. Courtney hates Seth Alejandre Villasis to the moon and back. Kung tunay ngang may himala, sina Courtney at Seth ay perpektong patunay. Humugot siya nang malalim na hininga, dinama ang pintig