CHAPTER 18 3rd Person POV PAGDATING sa kuwarto ay mahinay na pinahiga ni Renzo si Laurel sa kama. Kumuha siya ng medical kit upang lunasan ang mga pasa at galos ng kaniyang kasintahan. “Salamat babe. Kung hindi ka dumating baka pinatay na ako ni Sam,” mahinay na wika ni Laurel sa kaniyang nobyo. Pinatong ni Renzo ang kaniyang palad sa noo ni Laurel at dahan-dahang hinawi ang mga hibla ng buhok nito. “Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin, Laurel. And no one will ever touch you again except me. Ayoko nasasaktan ang magiging asawa ko,” ngiting wika ni Renzo at napangisi si Laurel dahil dito. Tinaas ng dalaga ang kaniyang kamay at mahinay na hinawakan ang baba nito saka hinaplos ng kaniyang hinlalaki ang pisngi nito. “Masuwerte ako dahil nandyan ka palagi upang protektahan ako. Pasensya