CHAPTER 19 3RD PERSON POV MALAKAS na pagtangis ang narinig ni Sam nang dumating sa memorial park ang ama ni Renzo kasama ang asawa nito, dahil sa araw na iyon ay ililibing na ang mga magulang ni Sam. “Tukayo! Bakit ganito ang naging kapalaran mo?” hiyaw ni Gabriel Tan na halatang nagkukunwaring umiiyak sa harap ng kabaong ng ama ni Sam. Dahil pareho ang pangalan ng mga ama nina Sam at Renzo—tukayo ang naging tawagan nila sa isa’t isa. Matapos umarte si Gabriel ay biglang sumigaw ang asawa niya na si Merlin Tan sa kabaong naman ng ina ni Sam. “Kumareng Caroline! Sana nasa mabuting kalagayan ka na,” arteng pagtangis ng ina ni Renzo sa patay. Nilapat ni Beljie ang kaniyang bibig sa tenga ni Sam habang pinagmamasdan ang dalawa. “Ano ba naman yan, Sam! Kung umarte itong mga magulang ni