CHAPTER 51 3RD Person POV PAALIS na sana si Renzo ng office niya nang biglang makita ang pagbukas ng pinto ni Chairman Fernando. Lumapit siya dito upang usisain ang biglaang pagbisita nito. “Magandang hapon po chairman,” magalang na pagbati niya dito saka yumuko. “Renzo.” Muling inangat niya ang kaniyang ulo upang humarap dito. “Are you aware na mababa ang financial report ng kompanya natin?” “Y-yes chairman,” nauutal niyang wika. Huminga nang malalim si Chairman Fernando at muling nagsalita. “I asked Laurel to convince MI Holdings na sa atin mapunta ang merger. Can you help her?” Lumapit si Chairman Fernando kay Renzo at nilapat ang bibig nito sa tenga. “I know that you don’t love her genuinely.” Napadilat si Renzo nang marinig iyon. Paano nito nalaman ang tunay niyang nararam